Batangas Electric Coop., minamadali ang paglilinis ng transmission lines para maibalik ang kuryente sa Talisay

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2020 12:37 AM

Kasabay ng pagbalik ng mga residente sa Talisay, nagmamadali na rin ang tauhan ng Batangas Electric Cooperative (Batelec) para linisin ang mga transmission lines.

Ayon kay Engr. Arvin Barbosa, technical services manager ng Batelec II, binubugahan nila ng tubig ang mga insulator ng transmission lines.

Kailangan aniyang maalis ang mga abo mula sa bulkan na naipon sa mga insulator bago nila ibalik ang suplay ng kuryente.

Kapag umano hindi naalis ang abo, maari itong maging sanhi ng pag-short circuit sa linya at mas malaking pinsala ang mangyayari.

Tiniyak ni Barbosa na hahabulin nilang maibalik ang suplay ng kuryente hanggang bukas ng umaga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.