80-anyos na lalaki, patay sa sunog sa Negros Occ.

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2020 09:32 PM

HINOBAAN, Negros Occidental - Patay ang isang 80-anyos na lalaki matapos masunog ang kanilang tinitirhang bahay sa Hinobaan, Negros Occidental, Linggo ng gabi.

Ayon kay Fire Officer Marcisto Damandaman, nag-iisa ang biktimang si Esmael Magbanua nang mangyari ang sunog Barangay Bulwangan.

Lumabas sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection na nagsimula ang sunog sa nilulutong pagkain ng biktima. Malapit umano ang kalan ng biktima sa kaniyang higaan, at posibleng natutulog ang biktima.

Inabot rin umano ng apoy ang mga panggatong na kahoy ng biktima. 

Ayon pa sa BFP, ang naturang bahay lamang ang natupok sa nangyaring sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.