Restoran sa China na 'kopya' ng Jollibee, paano mapapanagot?

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2019 02:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nitong linggo ay nag-viral sa social media ang restoran na "JoyRulBee" sa China na tila pareho ang disenyo, tema, maging ang pangalan sa Pinoy fast food chain na Jollibee. 

Bilang tugon, sinabi ng Jollibee na naghahanda na sila ng legal na hakbang para maitigil ang hinihinalang panggagaya sa kanila. 

Pero dahil nasa China ang JoyRulBee, paano ito mapapanagot ng Jollibee?

Ayon kay Atty. Claire Castro, maaaring managot ang gumayang restoran sa ilalim ng pandaigdigang batas o international law sapagkat "international brand" ang Jollibee. 

Maaari rin daw maghain ang kompanya ng reklamo sa World Intellectual Property Organization (WIPO) sa kondisyong signatory ang Pilipinas sa Madrid Protocol, isang kasunduan ng mga bansa para mapanatili ang trademark ng mga kompanya nito. 

Kung batas naman sa Pilipinas ang pagbabasehan, maaaring maparusahan ang JoyRulBee sa ilalim ng Article 189 ng Revised Penal Code.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.