1 patay, 4 sugatan sa pang-aararo ng SUV sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2020 09:51 AM

MAYNILA - Patay ang isang lalaki at sugatan ang 4 na iba pa matapos mabangga ng isang sasakyan sa EDSA northbound Quezon City nitong umaga ng Linggo.

Inararo umano ng isang Innova ang mga nag-aabang ng masasakyan sa may isang mall sa EDSA North matapos gitgitin ng isang bus.

Samantala, nagsalpukan ang isang van at tricycle sa EDSA southbound sa may Roosevelt. Tumagilid ang tricycle at sugatan ang 2 sakay nito kabilang ang driver. Dinala agad sila sa ospital.

Sa Greenhills EDSA southbound naman, tumaob ang isang AUV matapos mabangga sa concrete barrier. 

Mabilis ang takbo ng driver na aminadong nakatulog habang nagmamaneho, ayon kay MMDA enforcer Martin San Diego.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.