Magsasaka tinaga ng kagawad sa Ilocos Norte

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2019 01:31 AM

Pinagtataga ng isang kagawad ang kapitbahay nito dahil sa away ng kanilang mga anak sa Barangay Elizabeth Dingras, Ilocos Norte nitong Huwebes.

Nagtamo ng sugat sa ulo, kamay, daliri at paa ang biktimang si Jaycris Bayudan matapos tagain ng barangay kagawad na si Edito Butay. 

Nangbu-bully umano ang anak ng kagawad sa anak ng biktima na magkaklase bilang Grade 4.

“Nag-iinom kami, nakita ko yung bata pinagsabihan ko, umiyak hindi ko naman inaano," ani Bayudan.

Dahil umiyak ang anak, sinugod ng suspek ang biktima.

“Nirabsot na tay anak kom nag blangko panoniot ko isu dik ammo inar-aramid kon," ani Butay.

(Hinila ang anak ko, na-blangko isip ko hindi ko na alam ginagawa ko.)

Boluntaryong sumuko ang kagawad sa mga awtoridad. Hindi narekober ng mga pulis ang itak na ginamit sa krimen.

Haharap ang kagawad sa kasong frustrated murder.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.