Sunog, sumiklab sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2020 02:06 AM

QUEZON CITY - Sumiklab ang apoy sa isang kusina Biyernes ng gabi sa Panay Avenue, South Triangle, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Nagdeklara ng fire out bandang 10:28 ng gabi at hindi naman nagtaas ng alarma matapos maapula ang sunog sa loob lamang ng 15 minuto. -Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.