1 patay sa sunog sa Baclaran

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2020 04:46 AM | Updated as of Jan 25 2020 09:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isa ang kumpirmadong patay matapos sumiklab ang sunog Sabado ng madaling araw sa isang residential area sa Park Avenue Extension, Baclaran.

Ayon kay Supt. Edgar Tanawan, Pasay City Fire Marshall, na-trap ang biktimang si Catherine Gamboa, 79 anyos, sa ikaapat na palapag ng gusali at 'di na makababa. 

Dagdag pa ng ilang residente, hindi makalakad nang maayos ang biktima dahil may sugat siya umano sa paa.

Natupok ng apoy ang nasa 14 na mga bahay na gawa sa light materials kaya mabilis kumalat ang apoy. Nasa 4 na palapag ang residential area na may 20 pamilya. 

Dineklara namang under control na ang sunog pagpatak ng 2:03 ng madaling araw.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog na umabot ng ikatlong alarma at isa sa tinitignang anggulo ay may narinig umanong pagputok sa ikalawang palapag ng isa sa mga bahay.

Hindi naman nadamay ang isang mosque na kadikit lang ng mga nasunog na bahay.-Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.