Lalaking sumampa sa construction site, binaril ng guwardiya, patay

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2019 05:44 AM

MAYNILA - Patay ang isang lalaki matapos siyang barilin ng guwardiya ng construction site sa Barangay Sucat, Muntinlupa City Biyernes ng hatinggabi.

Kinilala ang napatay na si Edmund Bautista, 26 anyos.

Sa paunang imbestigasyon, sumampa sa bakod ng construction site si Bautista kaya binaril ng guwardiya na kinilalang si Ryan Rodriguez.

Dead on the spot si Bautista habang tumakas naman si Rodriguez.

Kuwento ng ilang construction worker, madalas umanong manakawan sa kanilang construction site.

Pinaghahanap na ang guwardiya habang iniimbestigahan ang insidente. Narekober sa crime scene ang shotgun na ginamit sa pamamaril. - ulat ni Fred Cipres at Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.