P24 milyong halaga ng shabu, nasabat mula sa isang Thai sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2020 07:55 PM

MAYNILA - Arestado ang isang babaeng Thai matapos makuhanan umano ng P24 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Palanan sa Makati nitong Huwebes.

Isinagawa ang buy-bust sa isang hotel ng ilang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Calabarzon, kung saan nakipagkita ang isang nagkunwaring buyer sa 36-anyos na suspek.

Nakuha sa kaniya ang tatlong kilo ng kontrabando.

Nasa kustodiya na ng PDEA-Calabarzon ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.