Dapat bang mahiya kapag tinawag nang tito, tita?

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2020 01:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Para sa ilan, ang pagtawag sa kanila bilang tito o tita ay nangangahulugan ng respeto. 

Sa kabilang banda nga lang, may ilan na ikinahihiya ang pagtawag sa kanila nito dahil hudyat umano ito ng pagtanda.. 

Tingin ni Gerald Abergos, isang sociologist o experto sa pag-aaral ng ugali at pakikisalamuha ng mga tao, na hindi dapat ikinahihiya ang pagtawag sa kanila na tito o tita. 

"We have to face the fact that we are growing older. Plus, we have to face the fact that we are growing. We have this responsibility kaya tinatawag tayong tito o tita," paliwanag niya sa programang "Sakto" ng DZMM. 

May kaakibat din kasi aniyang responsibilidad ang pagtawag sa kanila ng tito o tita, habang tumatanda. 

"Ang konsepto natin ng pagiging tita ay ang pagiging biological na kapatid ng parents natin. Pangalawa 'yong parents ng kaibigan natin. Kasi nandoon ang closeness natin. Out of respect. Those are words of endearment. Ang saya kayang tawagin ang parents ng friends mo na tito o tita. Respetong-respeto," paliwanag niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.