Babae timbog sa droga sa Malabon

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2020 05:30 AM

MALABON - Arestado ang isang 55 anyos na babae matapos mahulihan ng umano'y ilegal na droga Miyerkoles ng gabi sa Barangay Longos, Malabon.
 
Batay sa paunang ulat ng Malabon police, aminadong gumagamit ng ilegal na droga ang suspek.
 
Pumunta ang mga pulis sa nasabing lugar matapos makatanggap ng impormasyon na may ginagawang ilegal ang suspek.
 
Doon tumambad sa mga awtoridad ang nasa 6 sachet ng hinihinalang shabu na hawak umano ng suspek na nagkakahalaga ng P17,000.
 
Walang trabaho ang babae at suma-sideline lamang umano sa pagtutulak ng droga para kumita ng pera.
 
Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.