Nakapiit na Daraga mayor, naospital matapos 'hikain sa katol'

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2019 01:05 PM | Updated as of Jan 23 2019 08:48 PM

Matapos maaresto noong Martes, nasa isang pribadong ospital ngayon si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo matapos dumaing ng karamdaman bago maghatinggabi ng parehong araw.

Watch more in iWant or TFC.tv

Si Baldo ang itinuturong utak sa pagpatay kay Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe.

Pero inaresto siya noong Martes dahil sa pag-iingat umano ng mga di lisensiyadong baril matapos salakayin ang kaniyang bahay sa bisa ng search warrant.

Ayon sa mga awtoridad, nagreklamo umano ng hika at paninikip ng dibdid si Baldo matapos magsindi ng katol ang isang preso na kasama niya sa piitan.
    
Sa pagsusuri, inirekomendang dalhin sa ospital ang alkalde.

Samantala, ano mang oras ngayong Miyerkoles ay isasampa na ng Criminal Investigation and Detection Group ang kasong illegal possession of firearms at illegal possession of ammunition laban kay Baldo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.