Pagawaan ng mga pekeng dokumento sa Baguio City sinalakay

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2020 12:48 PM | Updated as of Jan 22 2020 01:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

BAGUIO CITY — Sinalakay ng mga awtoridad ang isang pagawaan umano ng mga pekeng dokumento sa isang gusali sa Barangay Kagitingan sa lungsod na ito. 

Sa unang tingin ay aakalaing karaniwang computer at printing shop lang ang establisimyento, pero talamak pala doon ang paggawa ng mga pekeng dokumento, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Cordillera. 

"May nagsumbong kasi sa opisina namin na talamak talaga ang gawaan ng mga pekeng lisensya, dokumento, mga PRC (Professional Regulatory Commission). So nag-conduct tayo ng surveillance," ani Police Maj. John Delmas ng CIDG-Cordillera.

Ilan sa mga dokumentong pinepeke ay mga birth certificate, PhilHealth ID, Tax Identification Number card, Voter's ID, at transcript of records mula sa mga kolehiyo. 

Nasa P1,200 umano ang singil ng establisimyento depende sa ipagagawang dokumento. 

Tumangging magbigay ng pahayag ang naabutang empleyado na kamag-anak umano ng may-ari. 

Sasampahan ng reklamong falsification of documents ang mga nasa likod ng pagawaan. 

—Ulat ni Michelle Soriano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.