DFA, nagbabala sa pagdadala ng meat products sa South Korea

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2020 01:15 AM

MAYNILA - Pinapaalalahanan ng Department of Foreign Affairs ang mga nais magtungo sa South Korea na sumunod sa pagbabawal sa pagdadala ng animal at livestock products.

Ito ay upang maiwasan ang malaking multa at pagbawalan na muling makapasok sa South Korea.

Ayon sa embahada ng Pilipinas, dapat agad na dalhin at ideklara ang mga dalang animal at livestock products sa quarantine office sa port of entry o maharap sa multang 10 million Korean won o mahigit P430,000.

Oktubre noong nakaraang taon, isang biyaherong hjndi nagdeklara ng dalang pork sausage ang pinagbayad ng KRW 5 milyon at pinatawan ng limang taong ban sa pagbiyahe sa South Korea.

Ang paghigpit ng South Korea ay upang maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit ng mga hayop.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.