#WalangTubig: Ilang lugar sa Mandaluyong, Makati

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2019 03:09 PM

Pansamantalang mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa Mandaluyong at Makati City simula gabi ng Lunes hanggang madaling araw ng Martes, ayon sa Manila Water.

Partikular na makararanas ng water service interruption simula alas-9 ng gabi ng Lunes hanggang alas-5 ng madaling araw ng Martes ang Barangay Barangka Drive sa Mandaluyong.

Bunsod umano ito ng gagawing pipe interconnection sa kanto ng Kapalaran Street at Silangan Street.

Mawawalan naman ng tubig ang Barangay Rizal sa Makati City simula alas-10 ng gabi ng Lunes hanggang alas-4 ng madaling araw ng Martes.

Ito ay dahil sa pagkukumpuni sa may bahagi ng Blueboz Street. --Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.