Sunog sumiklab sa 5 ektaryang bahagi ng bundok sa Benguet

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2020 10:35 PM

Sumiklab ngayong Lunes ang sunog sa isang bahagi ng bundok sa Benguet. Bureau of Fire Protection-Cordillera Administrative Region

Sumiklab ang sunog ngayong Lunes sa 5 ektaryang bahagi ng bundok na sakop ng mga bayan ng Bokod at Atok, Benguet, ayon sa lokal na Bureau of Fire Protection (BFP).

Nag-umpisa ang sunog madaling araw ng Linggo at naapula noong hapon pero muli itong nagliyab nitong umaga ng Lunes, sabi ng BFP.

Hindi pa tiyak ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

Hindi pa rin nagkakaroon ng fire-fighting operation dahil hindi mapuntahan ng mga fire truck ang nasusunog na bahagi ng bundok.

Binabantayan na lang ng mga awtoridad ang lugar para walang bahay o residente ang maapektuhan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.