Punong-barangay sa CamSur pinatay sa lamay

Mylce Mella, ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2020 03:07 PM

BATO, Camarines Sur – Patay ang isang punong-barangay sa bayan na ito makaraang pagbabarilin sa dinaluhang lamay rito, Linggo ng gabi.

Kasama ni Barangay Del Rosario Chairman Edilardo “Edi” Perras, 47, ang kaniyang asawa nang lapitan siya ng isang hindi pa nakilalang lalaki at ilang ulit na barilin, ayon sa pulisya.

Nakatakas anila ang gunman patungo sa hindi pa tukoy na direksyon.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pagpatay

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.