P3-M halaga ng 'shabu' nakumpiska sa Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2020 10:10 AM

MAYNILA- Halos P3.4 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa isang 29-anyos na lalaki sa isang buy-bust operation sa Las Piñas nitong Linggo ng gabi.

Nahuli ang suspek na kinilalang si alyas "Ten-ten" matapos itong makipagkasundo sa isang pulis na nagpapanggap na bibili ng shabu sa Barangay Manuyo Dos. 

Ayon kay Police Lt. Roberto Pareño, nakabili ang pulis ng drogang nagkakahalaga ng P20,000.

Nakuha sa mga gamit ng suspek ang malalaking pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Matapos ang transaksyon ay agad na inaresto ang suspek ng mga awtoridad.

-ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.