Basurero patay sa pamamaril sa Malabon

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2019 07:06 PM

Patay ang isang lalaking basurero matapos pagbabarilin sa Barangay Catmon, Malabon City, sabi ngayong Linggo ng pulisya.

Kinilala ang biktima bilang si Reyan De Guzman, 32 anyos.

Nabalitaan daw ng isang Rolando Pareño na may isang insidente ng pamamaril sa lugar kaya agad niya itong ipinagbigay alam sa mga pulis, base sa paunang ulat ng Malabon police.

Nagtamo si De Guzman ng mga tama ng bala sa ulo at likod.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng bala ng baril.

Nabatid ng Malabon police na dating nasangkot sa kasong pagnanakaw ang biktima sa Pasig City at Valenzuela City.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente. --Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.