2 sugatan sa banggaan ng taxi at motorsiklo

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2019 08:09 AM | Updated as of Jan 20 2019 12:10 PM

MANILA - Sugatan ang isang motorcyle rider at isang pasahero ng taxi matapos magkabanggaan ang 2 sasakyan sa northbound lane ng Bonifacio Drive malapit sa Intramuros.

Kwento ng driver ng taxi na si Lucrecio Dotollo, papuntang Malabon sila nang biglang may motorsiklong nag-cut sa harap niya.

Dahil dito, nagkabangaan ang dalawa at napaakyat pa ang taxi sa center island. Ayon sa isang testigo, amoy alak umano ang driver ng motor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.