65-anyos patay, 180 nawalan ng tirahan sa sunog sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2020 08:12 PM | Updated as of Jan 20 2020 07:11 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA — Patay ang isang 65-anyos na ginang samantalang nawalan ng tirahan ang nasa 180 pamilya makaraang masunog ang isang residential area sa Barangay Santo Domingo, Quezon City nitong Linggo ng gabi. 

Halos hindi makilala ang nasawing ginang na natagpuan sa isa sa 90 bahay na nilamon ng sunog sa Don Pepe Street, ayon sa Bureau of Fire Protection. 

Nagtamo naman anila ng minor injuries ang isang 63-anyos na residente at isang 4-anyos na lalaki. 

Nagpalipas ng magdamag sa covered court ang nasa 60 sa mga pamilyang nasunugan, habang ang iba ay nanatili sa tabi ng kanilang mga natupok na bahay para bantayan ang mga ito at subukang isalba ang ilang kagamitan. 

Namahagi naman ang mga awtoridad ng mga tent at relief goods sa mga nasunugan. 

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog na tumagal nang nasa isang oras at 45 minuto. 

May ulat nina Arra Perez at Lyza Aquino, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.