Dating child actor, timbog matapos umanong manaksak sa Marikina

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2020 02:12 AM | Updated as of Jan 18 2020 05:07 PM

MAYNILA (UPDATE) - Inaresto ng pulisya ang dating child actor na si Jiro Manio matapos umanong manaksak ng isang lalaki sa Barangay San Roque sa Marikina City Biyernes ng gabi.

Ayon kay Police Col. Restituto Arcangel, hepe ng Marikina City Police, nakarating sa kanila na may naganap na pananaksak sa M.A. Roxas Street sa San Roque matapos magsumbong ang isang concerned citizen.

Pagdating ng mga pulis sa lugar, hawak na ng mga residente si Manio, 27, at tinurn over sa pulisya.

Isinugod naman sa ospital ang biktima matapos magtamo ng dalawang saksak sa balikat gamit ang hindi pa tukoy na matigas na bagay.

Kinasuhan si Manio, na kilala sa mga pagganap sa mga pelikulang "Magnifico" at "Ang Tanging Ina," ng frustrated homicide.

-- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.