Lalaki patay matapos barilin ng kainuman sa Leyte

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2020 08:25 PM

SAN MIGUEL, Leyte - Isang lalaki ang patay matapos siya barilin ng kasama sa inuman sa Sitio Maliporon, Barangay Guinciaman sa bayan na ito Huwebes ng madaling araw.

Nakilala lamang ang biktima sa pangalang Dalmacio, isa umanong laborer.

Ayon sa pulisya, nag-iinuman ang biktima at ang suspek kasama ang iba pa nang bigla na lang barilin ng suspek si Dalmacio gamit ang hindi pa tukoy na uri ng baril.

Agad nasawi ang biktima. Nakatakas naman ang suspek.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.