4 kalaboso sa droga sa Malabon

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2020 04:18 AM

MALABON - Arestado ang 2 construction worker at 2 tricycle driver sa magkahiwalay na operasyon Huwebes ng gabi sa Malabon.

Ayon kay Police Executive Master Sgt. Randy Santiago, unang naaresto ang tricycle driver na si alyas Ronald na nasa drugs watchlist ng Barangay Concepcion.

Nagpapatrolya ang mga pulis sa Jacinto Street nang mapansin ang suspek na may hawak na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P4,000.

Samantala, sa Barangay Longos naman nasakote ng mga pulis ang 2 construction worker at isang tricycle driver na nahulihan rin ng mga ilegal na droga.

Nakumpiska sa kanila ang 2 sachet ng hinihinalang shabu at 2 sachet ng hinihinalang marijuana.

Pawang mga bagong tukoy na mga drug personality ang mga suspek na aminadong gumagamit ng ilegal na droga. -Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.