4 dawit sa pagnanakaw ng krudo arestado sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2019 07:01 PM | Updated as of Jan 17 2019 07:25 PM

Naaresto ng pulisya noong Miyerkoles ang apat na tao dahil sa pagnanakaw ng krudo sa mga truck sa Silang, Cavite.

Naharang ng mga pulis sa Oplan Sita ang mga suspek na nakasakay sa jeep at may dalang 20 container ng nakaw na diesel, ayon kay Chief Inspector Resty Soriano, hepe ng Silang police.

Watch more in iWant or TFC.tv

Bago nito, nakuhanan ng video ng isang pahinante ang pagnanakaw ng isa sa mga suspek ng krudo mula sa kanilang truck madaling araw ng Miyerkoles.

Matapos maplakahan ang sasakyan at matiyak na nanakawan sila, tinawagan ng pahinante ang kaniyang boss na siya namang nagsumbong sa mga pulis.

Ayon sa mga suspek, ibinebenta nila ang ninanakaw na krudo sa mga parokyanong driver sa Quezon City sa mas mababang halaga na P700 kada container.

Inamin ng mga suspek na noon ay sa Pasay lang sila nagnanakaw ng krudo pero kalaunan ay nag-ikot na rin sila sa ibang bayan.

Sinampahan ang apat ng reklamong short selling at adulteration of petroleum products.

Nagpaalala naman ang pulisya sa mga motorista na huwag basta-basta iniiwan kung saan-saan ang mga sasakyan at tiyaking may safety lock ang tangke ng krudo.

--Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.