12 tripulante, nailigtas sa lumulubog na barko sa pagitan ng Leyte at Bohol

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2017 11:29 PM

Nagsagawa ng search and rescue operation ang Philippine Coast Guard sa isang lumulubog na barko malapit sa Tuod Island, sa karagatan sa pagitan ng Bohol at Leyte Martes ng gabi.

Ayon sa PCG, naitalang lumulubog ang M/V Meridian, isang cargo vessel, bandang 9:25 ng gabi. Lulan ng barko ang 26 tripulante.

Inatasan ng PCG ang mga tauhan nito na magsagawa ng search and rescue. Umabot sa 12 tripulante ang nailigtas ng Coast Guard mga alas-10 ng gabi.

Naglabas na rin ang PCG ng notice to mariners na kung maaari ay tumulong sa pagligtas ng mga tripulante ng lumulubog na barko. --Ron Lopez, ABS-CBN News