Granada at droga, nasamsam sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2019 04:57 AM | Updated as of Jan 16 2019 07:52 PM

MAYNILA - Nasamsam ng mga pulis ang isang granada at mga pakete ng hinihinalang shabu sa isa umanong drug den sa Barangay Baesa, Quezon City Miyerkoles ng hatinggabi.

Nahuli naman ang magkaibigang sina alyas Enteng at Ambo sa buy-bust operation.

Watch more in iWant or TFC.tv

Dati nang nakulong sa kasong droga si Enteng habang alarm and scandal at illegal possession of bladed weapon ang kinaharap ni Ambo.

Ayon kay Baesa Barangay Councilor Renan Castillo, nasa drugs watch list ng lugar ang mga suspek.

Nakabili ang isang poseur buyer ng P200 halaga ng shabu mula kay Enteng. Nadiskubre sa bahay nito ang isang granada at ilang pakete pa ng umano'y shabu.

Pinabulaanan naman ng mga suspek ang mga paratang laban sa kanila.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at possession of explosive device. - ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.