Pagkaantala sa trapiko asahan sa pagbisita ng pangulo ng Sri Lanka

ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2019 03:10 PM

Sri Lanka President Maithripala Sirisena. Dinuka Liyanawatte, Reuters/File Photo

Magpapatupad ng "stop-and-go" scheme sa EDSA at iba pang kalsada sa Metro Manila sa pagbisita sa bansa ng pangulo ng Sri Lanka na si Maithripala Sirisena, sabi ngayong Martes ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nakatakdang dumating sa Maynila si Sirisena gabi ng Martes at mananatili sa bansa hanggang Sabado, Enero 19.

Sa isang abiso, sinabi ng MMDA na kapag dumaan ang convoy ni Sirisena, maaaring makaranas ng traffic disruption o pagkaantala sa trapiko ang paligid ng airport sa Pasay City, mga kalsada sa Makati business district, Pasig commercial district, Maynila, at Quezon City.

"A full stop of traffic would be observed and be opened immediately as convoy passes through," sabi ng MMDA sa abiso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.