Pets ipasok sa loob ng bahay para maiwasan ang ashfall

ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2020 11:43 AM

Ipinayo ng isang beterinaryo sa mga pet owner sa mga lugar na apektado ng ashfall na ipasok sa loob ng bahay ang kanilang mga alagang hayop.

Mas marami at mabilis kasing makalanghap ng mga particle sa hangin ang mga hayop kumpara sa mga tao, ayon kay Dr. Silver Nano.

Nagbigay rin ng tips ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) kung paano maaalagaan ang mga pet sa gitna ng ashfall:

- Panatilihin sa loob ng bahay kung puwede

- Tiyaking hindi lantad sa ashfalll ang mga pinagkakainan ng mga hayop

- Bantayang maigi kung ang hayop ay umuubo o nahihirapang huminga. Sakaling makitaan ng mga sintomas, ipasuri agad sa beterinaryo

- Sakaling nalantad na sa ashfall, punasan o paliguan ang hayop. Huwag hayaan ang mga alaga na dilaan ang abo

Gaya ng sa tao, maaaring magdulot ng permanenteng pinsala sa mata ng hayop ang abo, ayon kay PAWS Executive Director Anna Cabrera.

Puwede ring ikamatay umano ng hayop ang matagal na pagkalantad sa abo.

Nagbuga ng abo noong Linggo ang bulkang Taal na bumalot sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

-- Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.