Kolektor ng pusta patay sa pamamaril sa Mandaue

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2019 11:19 AM

MANDAUE, Cebu - Patay ang isang masyador o tagakolekta ng pusta sa sabong matapos pagbabarilin sa lungsod na ito, Sabado.

Pinanonood ng biktimang si Crispulo Adlawan, 45, ang mga naglalaro sa isang bilyaran sa Barangay Banilad nang biklang pumasok ang isang lalaki at barilin siya, ayon sa pulisya.

Tumakas anila ang gunman sakay ng motorsiklong minamaneho ng isang lalaking kasabwat.

Nasugatan naman ang isang naglalaro ng billiards na si Fernando Uy.

Posibleng personal na alitan ang motibo ng pamamaril sa biktimang wala sa drug watchlist, dagdag ng mga imbestigador.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.