'Big time' drug pusher arestado sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2019 10:18 AM

TALISAY CITY, Cebu - Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa P750,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Brgy. Manipis sa lungsod na ito, Sabado.

Nasamsam ang droga mula sa 3 suspek, kabilang ang umano'y big time drug pusher sa Talisay na si Jerome Labitad, sabi ng pulisya.

Bago maaresto, nakatakas anila kamakailan lang si Labitad mula sa isang buy-bust operation.

Tinitiktikan ng pulisya ang ilan pang hinihinalang kasabwat ng mga naarestong suspek, ani Supt. Marlu Conag, hepe ng Talisay police.

Ulat ni Donna Lavares, ABS CBN News.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.