2 lalaki patay matapos 'manlaban' sa Bulacan

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2019 07:49 AM | Updated as of Jan 13 2019 09:33 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Patay ang dalawang lalaki matapos umano silang manlaban sa mga pulis sa San Jose del Monte, Bulacan.

Wala pang pagkakakilanlan ang dalawang lalaki. Ang isa ay nakasuot ng pula at asul na jacket, itim na pantalon at helmet habang ang isa pang lalaki ay nakasuot ng jacket at camouflage na short.

Ayon kay Senior Supt. Chito Bersaluna, Bulacan Provincial Director, nagsasagawa ang mga pulis ng Comelec checkpoint sa may Brgy. Tungko nang umiwas at tumakas ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Nagkahabulan ang mga suspek at mga pulis hanggang sa masukol sa may Benjamin Village sa Brgy. Graceville, tatlong kilometro ang layo mula sa checkpoint. Bumaba ng motorsiklo ang mga suspek at tumakbo habang nagpapaputok ng baril.

Dito na umano gumanti ng putok ang mga pulis at agad napatay ang 2 lalaki. Narekober ang 2 baril mula sa mga napatay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.