Kotse sumalpok sa poste ng kuryente; 1 sugatan

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2019 10:09 AM

MAYNILA – Isa ang sugatan matapos sumalpok sa poste ng kuryente ang isang sasakyang papaakyat ng Ayala Bridge dito sa siyudad, Sabado ng umaga.

Aminado ang driver na nakaidlip siya kaya bumangga ang minamanehong sasakyan sa poste. 

Nahagip naman nito ang isang pedicab na naghahatid ng pasahero.

Ligtas ang driver ng kotse na sinamahan ang sugatang pasahero ng pedicab sa ambulansiya papuntang ospital.

Nagdulot naman ng pagbagal ng daloy ng trapiko sa lugar ang aksidente. Hindi agad maialis ang naaksidenteng kotse dahil napuwersa ang unahang gulong nito, dahilan para hindi mapaandar ang sasakyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.