ALAMIN: Mga dapat tandaan sa pag-renew ng business permit sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2019 04:46 PM | Updated as of Jan 10 2019 05:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isa ka bang negosyante sa Quezon City na kailangan nang mag-renew ng business permit?

Isa sa mga pinakaimportanteng dokumento para sa pag-ooperate ng isang negosyo ay ang business permit . Narito ang ilang dapat tandaan sa pag-renew ng business permit sa QC, ayon mismo kay QC administrator Aldrin Cuña. 

Dapat munang ihanda ang mga sumusunod na dokumento: 

  • Business permit noong 2018 
  • Fire safety inspection certificate 
  • VAT return ng negosyante sa ikaapat na quarter ng nakaraang taon
  • Audited financial statement noong 2018 

Sunod ay maaari nang pumunta sa City Hall ang aplikante kung saan kikilatisin at pagbabayarin ito depende sa kinikita ng kaniyang negosyo. 

Maaari daw itong bayaran sa mismong City Hall o sa satellite offices ng Quezon City sa ilang barangay at mall sa lungsod. 

"Kung hindi ka handang magbayad, tumatanggap kami ng internet banking. Mas mabilis ngayon 'yung chance ng tao na gumamit ngayon ng electronic financial," ani Cuña sa "Usapang de Campanilla" ng DZMM. 

Hanggang Enero 20 tatanggap ng dokumento ang lokal na pamahalaan ng Quezon City para sa renewal. 

Dagdag ni Cuña, dapat siguraduhing tama at kumpleto ang mga dokumentong ibibigay sa City Hall para maiwasan pa ang aberya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.