Daan-daang deboto ng Nazareno, sumama sa prusisyon sa Iloilo

Jenel Baclay, ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2018 08:47 AM | Updated as of Jan 09 2018 09:06 AM

ILOILO CITY – Mahigit sa 500 deboto ang sumama sa prusisyon ng imahen ng Itim na Nazareno sa Mandurriao, Martes ng madaling araw.

Sabay-sabay na nagbigkas ng panalangin ang mga deboto habang bitbit ang mga kandila sa parade.

Mula sa Mandurriao Parish Church, inilibot sa Guzman Street ang imahen bago ibinalik sa simbahan.

Naniniwala ang mga deboto tulad ng 79-anyos na si Lilia Tuan may dalang pagpapala ang pagsama niya sa prusisyon lalo na sa kanyang kalusugan at nang kanyang pamilya.

Isang sagradong misa naman ang idinaos sa simbahan matapos ang prusisyon.

Taon-taon na isinasagawa ng Mandurriao Parish Church ang prusisyon tuwing pista ng Nazareno.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.