Tricycle driver patay sa pamamaril sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2020 02:37 AM

ILOCOS NORTE—Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin sa bayan ng Dingras, Ilocos Norte nitong Linggo.

Nagtamo ng 3 tama ng bala sa ulo si Conrado Castillo Jr.

Ayon sa pulisya, pinagbabaril ng 2 lalaking nakamotorsiklo ang biktima habang namamasada ito sa Barangay Guerrero.

Itinakbo pa sa ospital si Castillo pero idineklarang dead on arrival.

Love triangle ang isa sa mga motibong tinitingnan sa pamamaril.

"May asawa ito sa abroad at may nabuntisan siya dito. May mga utang pa siya," ani Police Maj. Ryan Retotar ng Dingras police.—Ulat ni Grace Alba, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.