Dating vice governor ng Sultan Kudarat, patay sa pamamaril

Yen Mangompit, ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2020 04:40 PM

Patay ang isang dating vice governor ng Sultan Kudarat matapos siya pagbabarilin sa national highway ng Barangay Bilumin sa bayan ng Lambayong sa Sultan Kudarat nitong Martes.

Nakasakay sa kanyang sasakyan si Rolando Recinto nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang gunmen.

Hindi pa malinaw sa pulisya ang motibo ng pamamaril at patuloy pa ang imbestigasyon.

Inaalam pa kung ano ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.