Nasa 15 pamilya nasunugan ng bahay sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2020 04:23 PM

Tinatayang nasa 15 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Parañaque City ngayong Lunes, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Aabot sa 8 bahay, na karamihan ay gawa sa kahoy, ang natupok sa may Barangay Santo Domingo, ayon sa BFP.

Nag-umpisa ang sunog alas-12:46 ng tanghali at idineklarang fire out bandang alas-2 ng hapon.

Electrical overload ang isa sa hinihinalang sanhi ng sunog, na nag-umpisa sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Gerald Gonzaga, ayon sa paunang imbestigasyon ng BFP.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Inaalam pa ang halaga ng mga napinsalang ari-arian. -- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.