2 anyos na babae patay sa nasunog na sasakyan

ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2020 03:36 PM | Updated as of Jan 06 2020 08:08 PM

Patay ang isang 2 taong gulang na babae matapos masunog ang sinasakyan niyang kotse sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte ngayong umaga ng Lunes.

Nakaparada ang sasakyan sa tapat ng bahay ng biktima sa Barangay 24 nang mangyari ang sunog.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa ama ng biktima, iniwan niya sa loob ng kotse ang bata — na sasama lang sana sa paghatid sa kapatid nito sa eskuwelahan — para ayusin ang isa pang sasakyan.

Bigla na lang umanong sumiklab ang sunog sa kotse.

Nagtamo rin ang ama ng mga paso nang subukang isalba ang bata pero hindi na raw niya nagawang mabuksan ang pinto ng sasakyan dahil sa lakas ng apoy.

Maaaring pinagmulan ng sunog ang isang nakasaksak na cigarette lighter, ayon sa Bureau of Fire Protection, na maaari umanong napindot ng bata.

Nadamay rin sa sunog ang isang van na katabi ng kotse. -- Ulat ni Ria Galiste, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.