ALAMIN: Saan galing ang mga pabuyang alok ng gobyerno?

ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2019 06:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagtataka ka ba kung saan nanggagaling ang mga pabuyang alok ng gobyerno para sa ikalulutas ng sari-saring kaso?

Paliwanag ni Atty. Claire Castro, may pondo ang gobyerno para dito partikular na sa mga kasong may kaugnayan sa droga. Pero ang kondisyon, dapat ay magresulta ang impormasyon sa pagkakakumpiska ng droga. 

Alinsunod daw ito sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. 

"Nag-grant ng compensation reward to any person providing any information regarding doon sa drugs na dapat may magandang result at nagkaroon ng confiscation talaga ng drugs," paliwanag ni Castro sa Usapang de Campanilla nitong Biyernes. 

Narito ang nakalagay sa batas:

" The Board shall recommend to the concerned government agency the grant of compensation, reward and award to any person providing information and to law enforcers participating in the operation, which results in the successful confiscation, seizure or surrender of dangerous drugs, plant sources of dangerous drugs, and controlled precursors and essential chemicals." 

Para sa ibang mga kasong kriminal naman, maaaring maglabas ang Philippine National Police ng pondo para rito. 

"Intelligence funds can be used for information," ani Castro. 

Parte ng Presidential Decree 1731 ni dating Ferdinand Marcos ang pagpapabuya sa pondong galing sa National Treasury. 

"Ito yung mga kasong rebelyon at organized syndicate crimes kung saan nag-grant talaga ng monetary reward sa mga witnesses na makakapag-testify at makakapagbigay ng information na definitely makakatulong sa kaso," ani Castro.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.