Bahay sa Surigao del Sur nilooban ng mga armadong lalaki; P300,000 tinangay

ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2020 04:34 PM

Nakuha ng mga salarin ang P300,000 cash, 4 na cellphone, at 1 laptop. Retrato mula kay Charmane Awitan, ABS-CBN News


BAROBO, Surigao del Sur — Isang bahay ng negosyante sa bayang ito ang pinasok ng mga armadong lalaki pasado alas-11 ng gabi Huwebes.

Ayon sa pulisya, may suot na bonnet ang tatlong salarin na may bitbit na hindi pa tukoy na mga armas. 

Nakuha nila ang P300,000 cash, 4 na cellphone, at 1 laptop.

Hindi naman sinaktan ng mga lalaki ang mga tao sa loob ng bahay.

Napag-alaman na nagpapatakbo ng sari-sari store at pautangan ang biktima. 

May persons of interest nang natukoy ang mga pulis habang patuloy pa rin ang imbestigasyon sa krimen. 


—Ulat ni Charmane Awitan, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.