Pari, may mensahe sa sasali sa Traslacion 2019

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2019 01:46 AM

MAYNILA - Pinayuhan ng Simbahan ng Quiapo ang mga sasama sa Traslacion sa susunod na linggo na magkaroon ng paghahandang pisikal, mental, emosyonal, at higit sa lahat, espiritwal.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene, kailangan maintindihan ng mga sasama ang dahilan ng kanilang pakikiisa at iyon ay sila ang hinirang ng Diyos.

Pagkatapos sa selebrasyon ng Itim na Nazareno, dapat din may baon silang aral, dagdag ni Badong.

Mensahe ng Traslacion ang pagpapakatatag at pagbangon sa bawat pagkabigo.

Ani Badong, mahalaga ang aral ng Traslacion lalo ngayong pagpasok ng 2019 dahil maraming hinarap na problema ang bansa noong nakaraang taon.

Taon-taon aniya ay lalong dumarami ang mga sumasama sa prusisyon. Base sa mga nakalipas na taon, posibleng umabot sa 2.5 milyon ang mga debotong sasama sa Traslacion. - ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.