'Lasing' na Chinese na nagwala, naglabas ng baril sa Maynila timbog

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2019 06:13 PM | Updated as of Jan 03 2019 07:49 PM

Inaresto ang isang Chinese sa Maynila matapos itong magwala habang may dalang baril sa labas ng isang KTV bar, sabi ngayong Huwebes ng pulisya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang si Cai Hai, 28 anyos, na dinampot matapos magwala habang lasing umano sa harap ng isang KTV bar sa Binondo district noong Disyembre 30.

Narekober mula sa suspek ang kalibre .45 baril na hawak niya habang nagwawala.

Sa tulong ng translator, nabatid na madalas uminom sa mga KTV bar ang suspek.

Turista din lang daw siya pero suma-sideline bilang construction worker bagaman walang mga kaukulang dokumento.

Tatlong beses nang inireklamo ng panggugulo ang dayuhan tuwing nakakainom, base sa imbestigasyon ng pulisya, kaya tuluyan na siyang kinasuhan.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong breach of peace, alarm and scandal, at illegal possession of firearms.

--Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.