Senior citizen nalunod sa Davao City ngayong Bagong Taon

ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2020 01:43 AM

Bunawan Police

DAVAO CITY — Nalunod ang isang senior citizen habang naliligo sa dagat nitong siyudad Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang biktima na si George Pandili, 60 anyos.

Ayon sa asawang si Alejandrina, nagpaalam ang biktima na sasama sa pamangkin para maligo sa dagat.

Nalunod si Pandili matapos umanong hampasin ng malalaking alon.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa Purok 6, Barangay Ilang matapos ang halos 2 oras. 

Wala namang nakitang foul play ang pulisya sa insidente.

Ayon kay Police Maj. Noel Villahermosa, nakainom umano ng alak ang biktima bago ito naligo.

"Uminom siya para mag-enjoy dahil New Year kasi," aniya. — Ulat ni Andoreena Causon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.