Sekyu, arestado sa pagpapaputok ng baril; 1 sugatan

Leleth Rumaguera, ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2020 04:29 PM

MANDAUE CITY -- Arestado ang isang guwardiya matapos na magpaputok ng kaniyang service firearm sa pagsalubong sa Bagong Taon na ikinasugat naman ng isang babae.

Ayon sa guwardiya, nakainom siya nang magdesisyong magpaputok pero wala siyang intensiyong makasakit ng kapwa.

Natamaan sa paa ang babaeng biktima matapos ang apat na beses na pagpapaputok ng baril ng guwardiya.

Nakalabas na rin siya ng ospital.

Nakakulong na ngayon ang guwardiya sa Basak Police Station.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.