Higit 500 pasahero stranded sa pantalan sa Iloilo City

ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2020 06:11 PM

Higit 500 pasahero ang stranded sa Parola Wharf sa Iloilo City ngayong unang araw ng 2020 matapos kanselahin ang mga biyahe ng mga motorbanca dahil sa lakas ng hangin.

Bandang alas-10 ng umaga nang kanselahin ng mga tauhan ng Philppine Coast Guard (PCG) sa Iloilo ang biyahe ng mga motorbanca papuntang Guimaras.

Umabot sa 18 knots ang lakas ng hangin, base sa huling update ng weather bureau na PAGASA, kaya nakansela ang mga biyahe, ayon sa PCG-Iloilo.

Umapela naman ng pag-unawa ang PCG-Iloilo sa mga pasahero, na naghintay na lang ng anunsiyo sa pagpapatuloy ng mga biyahe.

-- Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.