Sunog sumiklab sa kolehiyo sa Lucena

ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2019 11:19 AM | Updated as of Jan 01 2019 07:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- (UPDATED) Sumiklab ang sunog sa Sacred Heart College, Lucena City, Quezon nitong Bagong Taon, Martes.

Ito ang pinakamatandang paaralang Katoliko sa Quezon province. 

Naiulat ang sunog alas-9:15 ng umaga at naapula ang sunog alas-2:46 ng hapon. 

Sa mga pinadalang larawan ni Arnel Avila, public information officer ng Lucena City Hall, makikitang nasusunog ang harapan ng kolehiyo.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga classroom sa ikalawang palapag ng gusali. 

Hinihinalang nanggaling ang apoy sa bahagi ng chapel ng gusali. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Isang misa ang ginanap sa chapel ng eskuwelahan bago nangyari ang sunog, ayon kay Bureau of Fire and Protection Lucena City fire marshall Fire Safety Inspector Garynel Julian. 

Dagdag niya, posibleng daling sa naiwang kandila o electrical fire ang pinaggalingan ng sunog. 

Nailabas kaagad ang nasa 10 madreng natutulog sa gusali. 

Aabot sa P10 milyon ang naitalang pinsala ng sunog, ayon sa BFP. 

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang pamunuan ng eskuwelahan sa insidente. -- May ulat ni Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.