2 suspek sa kasong murder, timbog sa Navotas

ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2019 08:02 AM

MAYNILA - Arestado ang 2 lalaking nahaharap sa kasong murder matapos magpaputok ng baril nitong bisperas ng Bagong Taon sa Navotas City.

Ayon kay Senior Supt. Ramchrissen Haveria Jr., hepe ng Navotas Police, nakatanggap sila ng report na may naganap na indiscriminate firing at nang rumesponde ay nahuli pang nakaumbok sa damit ng mga suspek ang mga baril.

Nakumpiska sa mga suspek ang mga kalibre 45 baril, mga bala, at 2 pakete ng hinihinalang shabu.

Napag-alaman na may nakabinbin ding mga kasong murder at concealing of deadly weapon ang 2 suspek.

Mahaharap sa karagdagang kasong illegal possession of dangerous drugs ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.