2 lalaki sa Navotas huli sa pagpapaputok ng baril bisperas ng Bagong Taon

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2019 01:54 AM

MAYNILA—Sa selda sasalubong ng Bagong Taon ang dalawang lalaking nahuli ng pulisya dahil sa umano'y pagpapaputok ng baril sa Navotas ngayong bisperas ng 2019.

May residente umanong nag-ulat sa pulisya tungkol sa pagpapaputok umano ng baril nina alyas Mario at Jojo kaya pinuntahan ito ng mga awtoridad sa Barangay NBBN.

Bukod sa kalibre-.45 baril at mga bala, nakunan pa ng pakete ng hinihinalang shabu ang dalawang lalaki nang sila ay hulihin ng mga pulis.

Itinanggi naman ng dalawa na kanila ang nakuhang droga pero inamin nila ang pag-aari sa baril. Kakasuhan ng illegal discharge of firearms ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.