ALAMIN: Mga pang-Noche Buena na di agad napapanis

ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2018 10:34 PM | Updated as of Dec 22 2018 10:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nasasayangan ka ba sa napapanis na pagkaing hindi nauubos tuwing Noche Buena? 

Maaari mong subukang magluto ng ibang pagkain bukod sa menudo o kaya spaghetti, na isang araw lang halos ang shelf life, ayon sa isang chef. 

Ayon sa chef na si Thess Espiritu, may iba't ibang putahe na maaaring lutuin na mas mahaba ang panahong itatagal.

Isa na dito ang hamonado, isang pork dish na binuduaran ng pineapple syrup at brown sugar. 

"Ang maganda sa hamonado, habang tumatagal, lalo itong sumasarap," ani Espiritu sa "Sakto" ng DZMM. 

Gayundin ang chicken teriyaki, na nilalagyan ng toyo, brown sugar, at ketchup. 

Kung mag-iihaw naman, maaaring magluto ng relleno, na ibinababad sa iba't ibang preservatives tulad ng suka, paminta, at bawang. 

Kung may tira-tira naman na liempo, maaari itong gawing iba't ibang putahe tulad ng binagoongan, sisig, o pork estofado, ayon kay Espiritu. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.